Lola, apo patay sa flashflood

MANILA, Philippines - Nilamon ng tubig-baha ang 69-anyos na lola at ang kanyang 2-buwang sanggol na apo makaraang tangayin ng malakas na agos ang dalawang kabahayan sa tabi ng ilog habang apat namang barangay ang apektado sa bayan ng Calatrava, Romblon kahapon. Sa ulat ni Office of Civil Defense Region IVB Director Enrique Cabrera, dakong alas-4:30 ng madaling araw ng maganap ang flashflood sa Sitio Baniadero, Barangay San Roque sa nasabing bayan. Bandang alas-10 ng umaga nang marekober ng search and rescue team ang bangkay ng matandang si Lourdes Manligas habang pinaghahanap naman ang sanggol. Samantala, apektado naman ng pagbaha ang mga Barangay Sawang, Mapula, Lunas at ang Barangay Ilauran sa bayan ng Calatrava.

 

Show comments