2 utas sa motorbike crash

NUEVA ECIJA, Philippines – Bumulagta ang magkaibigang babae makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Barangay Sto. Tomas sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw. Kinilala ang dalawa na sina Jenny Aves, 20, ng Barangay San Josef; at Sarah Jane Bunag, 17, estudyante, ng Barangay Pob­lacion 4 sa nasabing bayan. Sa police report na isinumite kay P/Senior Insp. Rodrigo Clemente, hepe ng Peñaranda PNP, nakarehistro ang motorsiklo sa pangalang Lilibeth Eugenio Padilla ng Barangay San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija.

Show comments