Guro dinedo na kinarnap pa ang kotse

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Brutal na pinatay ang 33-anyos na public school teacher saka kinarnap pa ang kanyang kotse matapos itong pagsasaksakin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Taringsing, bayan ng Cordon, Isabela kahapon ng umaga. Natagpuan sa irrigation canal ang bangkay ng biktimang si Lawrence Andres ng Bugallon-Andarayan Elementary school sa Cauayan City. Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Rogelio Tali­ping, hepe ng Cordon PNP,? nagtamo ng mga saksak sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima bago itinapon sa irrigasyon.? Nawawala ang kotse at mga personal na gamit ng biktima kung saan huling nagpaalam sa kanyang pamilya na dadalo sa seminar noong Biyernes.?

 

Show comments