Bisikleta vs kotse: Kenyan dedo

CAVITE, Philippines – Patay ang 30-anyos na Kenyan na nagbibisikleta makaraang salpukin ng kotse  sa kahabaan ng Governors’ Drive sa Barangay Sabang 2, bayan ng Ternate, Cavite kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si  John Njoroge Muya na may address sa P.O. Box 251, HE 30700 Kenya. Arestado naman ang driver ng kotse na si Carl Hector Rustia, 35, ng #292 Palmera Avenue, Palmera 1 Subd. sa Barangay Taytay 1, bayan ng Taytay, Rizal. Base sa police report, nagbibisikleta ang biktima kasama ang iba pang kaibigan nang salpukin ng kasalubong na kotse (PKI 709) ni Rustia. Tumilapon ang biktima kasama ang bisikleta kung saan naisugod naman sa ospital subalit namatay din.

Show comments