Jeep swak sa bangin: 3 patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing nakipaglibing sa yumao nilang kaanak ang namatay habang tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sinasakyang owner-type jeep sa malalim na bangin sa Ilocos -Abra Highway sa Barangay Lungog, bayan ng Narvacan, Ilocos Sur noong Sabado.?

Kinilala ni PO3 Jay Callejo ang mga namatay na sina Tranquilino Damiao Jr., Bernanditas Tejero Duerme, at si Dally Rivera.?

Nakikipagbuno naman kay kamatayan sa Central Ilocos Sur District Hospital sina Alfredo Madriaga, Fatima Tehero Duerme, at si Dennis Pascual.?

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, pauwi na ang mga biktima sa Ilocos Norte mula sa pakikipaglibing sa yumao nilang kaanak sa Abra nang malawan ng kontrol sa manibela si Damiao sa pababang kurbada ng kalsadang zigzag.

Dahil dito ay nagtuluy-tuloy ang kanilang sinasakyang jeep sa malalim na bangin kung saan tatlo kaagad ang namatay.

Show comments