Karinderya ni Mayor nilooban

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nilooban ng hindi pa nakikilalang mga kawatan ang restaurant na pag aari ng isang Mayor at kaanak ng isang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III sa kabayanan mismo ng Tuao, Cagayan kamakalawa.

Sa imbestigasyon isinagawa ng pulisya bandang alas-5 ng hapon ng akyatin ng kawatan ang bubungan ng Franco’s Restaurant sa Barangay Centro 2 na pag aari ni Mayor Francisco Mamba Jr. na kaanak ni Presidential Legislative Liason Officer Manuel Mamba.?

Ayon sa report, tinangay ng kawatan ang benta ng kainan na nagkakahalaga ng P5,000 at kita ng videoke machine doon sa halagang P1,000. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing kaso.

Show comments