Mag-asawa todas sa ambush

MANILA, Philippines - Napatay ang mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng highway sa Barangay Tinayunan Hill, Guihulngan City, Negros Oriental kamakalawa. Nabatid na papauwi na ang mag-asawang sina Chairman George Sadagnot at Glen Sadagnot nang harangin at ratratin ng mga rebeldeng nakaposisyon sa nasabing lugar. Sa ulat na isinumite kay Lt. Col. Paulito Idul, commander ng Army’s 11th Infantry Battalion, hindi na umabot ng buhay sa paga­mutan sa Dumaguete City ang misis habang ang mister nito ay dead-on-the-spot. Narekober sa ambush site ang 10-basyo ng bala ng M16 rifle at ilang basyo ng bala ng cal 9mm pistol.

 

Show comments