Trader dinedo ng lolo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 74-anyos na lolo matapos niyang pagtatagain at mapatay ang nakasagutang negosyante ng kanyang anak sa Barangay Ugac Sur, Tuguegaro City, Cagayan kamaka­lawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Virgilio Addatu 44, store owner, habang arestado naman ang suspek na si Lolo Ernesto Pamiitan na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, sumiklab ang pagtatalo sa pagitan ng anak ng suspek at ang biktimang  trader kung saan mauuwi sa suntukan. Gayon pa man, namataan naman ng suspek ang pagtatalo kaya kumuha ito ng itak at pinagtataga ang biktima habang nakatalikod. Namatay ang biktima habang ginagamot sa hospital habang naaresto naman ang suspek.

 

Show comments