23 wanted at drug pusher arestado

CAVITE, Philippines - Umaabot sa 23-katao na karamihan ay most wanted at notoryus na drug pusher ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na serye ng operas­yon sa mga bayan at lungsod sa Cavite simula pa noong Martes hanggang kahapon ng umaga. Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na nakumpiskahan ng malalakas na kalibre ng baril, bawal na droga, mga drug paraphernalia at iba’t ibang uri ng bala. Sa bisa ng mga search warrant na inisyu ng mababang hukuman, inilunsad ang tinaguriang Trojan War ng pulisya laban sa mga nag­hahasik at nagpapakalat ng bawal na droga sa Cavite.

Show comments