Babae hinostage ng kapwa pasahero ng dyip sa Rizal

MANILA, Philippines - Hinostage ng isang lalaki ang kasama niyang pasahero sa loob ng isang dyip sa San Mateo, Rizal nitong Miyerkules ng umaga.

Sa mga paunang ulat, nasa General Luna Street sa Barangay Ampid na ang dyip na patungong bayan ng Rodriguez nang maglabas ng patalim ang hindi pa kilalang lalaki sabay hablot at tutok sa isang pasaherong babae.

Isinusulat ang ulat na ito ay sinusubukan pa ng mga pulis na kumbinsihin ang lalaki na pakawalan ang hawak niyang babae.

Matindi namang pagsikip sa daloy ng trapiko ang idinulot ng insidente sa lugar.

Show comments