Magkapatid kinatay ng ama

MANILA, Philippines – Dahil sa matinding depresyon kaugnay sa pakiki­paghiwalay ng asawa, pinagtataga hanggang sa mapatay ang magkapatid ng sariling ama sa Barangay Tinago, bayan ng Braulio Dujali, Davao del Norte kamakalawa. Kinilala ang mag-utol na sina Christian Baquiran, 6; at Christine Mae, 4, kapwa napuruhan sa ulo at leeg. Nahaharap naman sa kasong double parricide ang suspek na si Renato Baquiran na kasalukuyang ginagamot sa Davao del Norte Hospital matapos na sugatan din ang sarili matapos mapatay ang kanyang mga anak. Sa police report na isinumite sa Camp Crame dumanas ng ma­tinding depresyon ang suspek matapos itong hiwalayan ng kaniyang misis dahil sa paglalasing kaya naghuramentado at pinagbuntunan ng galit ang dalawa nitong anak.

Show comments