Magsasaka pinugutan sa inuman

QUEZON, Philippines - Balat na lamang ang nag-uugnay sa leeg at ulo ng 46-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain ng kanyang kapitbahay na may matinding galit sa panibagong karahasang naganap sa Brgy. Atulayan, bayan ng Polilio, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leodegario Sario habang pinaghahanap naman ng pulisya ang 18-anyos na suspek na si Marvin Tena. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan habang nanonood ng volleyball sa plaza nang lapitan at pagtatagain ng suspek. Nang duguang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek na sumabay sa pagkakagulo ng mga taong nanonood ng laro.

Show comments