Pulis utas sa agaw-armas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bulagta ang 41-anyos na pulis matapos itong barilin sa ulo ng di-kilalang lalaki na sinasabing miyembro ng Agaw-Armas Gang sa kahabaan ng highway sa Brgy. Gayong, bayan ng Cordon, Isabela kahapon ng madaling araw.? Kinilala ni P/Chief Insp. Rogelio Taliping, hepe ng Cordon PNP ang biktima na si SPO3 Alex Ulnagan na natagpuang nakahandusay bandang alas-4 ng madaling araw. Hu­ling namataang buhay ang biktima na papauwi mula sa kanyang duty sa nasabing himpilan ng pulisya.? Tinangay ng gunman ang cal.9mm pistol ng biktima at maging ang pera sa wallet nito ay nawawala. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments