Landslide: Lola, 2 apo sugatan

RIZAL, Philippines - Sugatan ang 72-anyos na lola at dalawa nitong apo matapos mabagsakan ng tone-toneladang putik ang kanilang bahay sa naganap landslide sa  Sitio Bagong Purok, Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng hapon. Naisugod naman sa ospital ang mga biktimang sina Lola Leonora Montablan, Sycil Carmano, 3; at Lhynjay Carmano, 1, pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo City PNP, Nasa kasagsagan ng ulan nang mabagsakan ng tone-toneladang putik mula sa bumagsak na pader ng eskuwelahan ang bahay ng mga biktima na sinasabing nagpapahinga.

 

Show comments