Dalagita kinatay ng adik na kuya

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Wakwak ang dibdib at tiyan ng isang 12-anyos na dalagita matapos pagsasaksakin ng 12 pulgadang kutsilyo ng kanyang sariling kuya na pinaniniwalaang lango sa droga sa Brgy. Pugo, Bauang, La Union kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ara Bautista samantalang nadakip naman sa follow up operations ang suspek na si Eddie Cuizon 32, half brother ng biktima. Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng komosyon ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay nang hipuan ng suspek ang bisitang kaklase ng dalagita ng kapatid na nauwi sa pagkatay sa biktima. Isinugod ng mga kapitbahay ang dalagita sa Ilocos Training and Regional Medical Center subalit hindi na ito umabot ng buhay. Kasalukuyan pa ring sinisiyasat ng mga awtoridad ang krimen.

 

Show comments