Nene patay matapos anurin ng baha sa Sultan Kudarat

MANILA, Philippines – Patay ang isang 10-taong-gulang na babae matapos anurin ng baha at malunod kahapon sa bayan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Humanitarian Emergency Assistance and Relief Team (HEART) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao umaakyat sa bubong ang biktimang si Jing Laure nang anurin ng rumaragasang baha dahil sa walang tigil na pag-ulan mula nitong kamakalawa.

Aabot sa 9,800 katao sa 10 barangay ang naapektuhan ng flashflood sa Sultan Kudarat, ayon pa sa HEART.

Karamihan sa mga naapektuhan ay nakatira malapit sa ilog na umapaw na rin dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.
 

Show comments