Dating mamamahayag itinumba

MANILA, Philippines - Patay sa pananambang ang isang dating radio anchor sa Abra kagabi.

Nakilala ang biktimang si Jack Porqueza, dating mamamahayag ng DZPA radio station at naging administrative officer sa Abra Prosecutor's Office.

Ayon sa ulat, bandang 6:24 kagabi pinaslang ang biktima ng mga suspek  sa Zone-5 sa bayan ng Bangued.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaslang.

 

Show comments