Ambush: Mag-asawa, anak sugatan

MANILA, Philippines – Nakailag kay kamatayan ang mag-asawa at anak nila matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa naganap na pananambang sa Ruste Drive, Barangay San Roque sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina SPO1 Alminder Mualip, Rosana Mualip at anak na si Alrasid. Base sa ulat na nakarating kay P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, magkakaangkas sa motorsiklo ang mga biktima patungo sa downtown nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan. Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa trabaho ni SPO1Mualip ang motibo ng pamamaril.

Show comments