Kagawad itinumba ng tandem

MANILA, Philippines – Napatay ang beteranong barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harapan ng eskuwelahan sa Barangay Sanja Mayor, bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan sa katawan ang biktimang si Kagawad Ronilo Garcia ng Barangay Patadahan 2 sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Joselito Esquivel Jr. na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen sa tapat ng Sanja Mayor Elementary School bandang alas-8:23 ng umaga. Sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang pag-aaring sasakyan patungo sa sentro ng kabayanan ng Tanza nang biglang pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Show comments