Stude sinalo ang bala para sa driver

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 16-anyos na estudyante habang sugatan naman ang driver ng traysikel  matapos na tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng Provincial Road sa Brgy. Piaz, bayan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Jesus Manalo Jr., hepe ng Villasis PNP ang biktima na si Christian Moreno, high school student at nakatira sa Barangay Caramutan habang sugatan naman ang driver ng trike na si Victoriano Meniano, 41, na pinaniniwalaang target sa pamamaril.

?Sa imbestigasyon ng pulisya, pasahero ni Meniano ang biktima kasama ang kaklase nitong si Judy Ann Lustina nang ambu­sin ng mga armadong lalaki.

Patay agad sa tama ng bala sa ulo ang estud­yante habang nadaplisan lamang sa ulo si Menia­no.?

Nabatid na may naka­binbing kasong murder ang tricycle driver na si Meniano na pinaniniwalaang pakay ng killer pero nagkamali ang salubong ni kamatayan sa biktima.

Show comments