Notoryus snatcher, arestado

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 37-anyos na dating traffic enforcer na sinasabing responsable sa serye ng robbery snatching sa kahabaaan ng McArthur Highway matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Calero, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Marlon “Tyson” Duran habang kinilala naman ang pinakahuling biktima ng suspek na si Marianne Aurelio, 18, estudyante at nakatira sa Barangay Tabang sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Arwin Tadeo, lumilitaw na inagaw ng suspek ang bag ng biktimang naghihintay ng jeepney sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Guinhawa. Nasamsam sa suspek ang bag, mga personal na gamit ng biktima at ang itim na motorsiklo na ginagamit sa modus operandi nito.

Show comments