Gunman dedo sa alalay ng manager

QUEZON, Philippines – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang branch manager ng PCSO-STL matapos na sumablay ang gunman sa pamamaril kung saan napatay naman ito ng escort ng una sa Barangay Masin Sur, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakailanlan ng gunman na nakapu­ting T-shirt at short pants na camouflage.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Arturo Brual Jr., nasa compound ng PCSO-STL ang biktimang si Gerardo de la Cruz kasama ang ilang kawani nang lapitan at barilin ng gunman subalit sumablay ito.

Tiyempo namang nakatayo malapit sa gunman ang bodyguard ni de la Cruz kaya kaagad nitong  pinatukan sa ulo at katawan hanggang sa mapatay.

Samantala, tinamaan ng ligaw na bala ang bystander na si Renz Aguila, 17.

Show comments