'Di binigyan ng pangtoma, anak kinuryente ang ina

MANILA, Philippines – Halagang P200 lamang ang kapalit ng buhay ng isang ina sa North Cotabato matapos patayin ng sariling anak nang hindi mabigyan ng pang-inom kahapon.

Hindi nanlaban ang suspek na si Jobert Sino nang arestuhin ng mga awtoridad matapos kuryentihin ang kanyang ina na si Susan dahil sa hindi naibigay na perang pang-inom.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa mga tinamong sugat.

Ayon sa imbestigasyon, kinabitan ng electrical cord ng suspek ang kanilang sampayan dahilan upang makuryente ang ina habang nagsasampay ng mga pinaglabhan.

Napag-alamanang lulong sa droga at alak ang 24-anyos na suspek base na rin sa salaysay ng mga kapitbahay.

Nasa kustodiya na ng mga awtordidad ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Show comments