Negosyante itinumba

CEBU CITY, CEBU, Philippines - Isa na namang trader ang napaslang matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Valencia, Carcar City, Cebu noong Huwebes ng hapon. Naisugod pa sa Carcar Provincial Hospital subalit idineklarang patay ang 54-anyos na si Conrado Regis. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na kararating lamang sa bahay ni Regis at ka-live-in na Leonila Bation mula sa Barangay Poblacion kung saan bumili sila ng pagkain para sa mga alagang baboy nang maganap ang pamamaril. Tinangay ng gunman ang P10,000 cash ng biktima saka tumakas. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbetigasyon.

 

Show comments