Trader inutas na, ninakawan pa

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 40-anyos na negosyanteng misis matapos itong mapagtripang pagpapaluin ay pinagnakawan pa ng isang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga kamakalawa sa Barangay Bayasong, bayan ng Pilar, Sorsogon. Bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Salvacion Gobot  na duguan ang ulo, mukha, leeg at nakagapos ang mga kamay nito. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Bernard Morados na namataang sumunod sa biktima bago matagpuang patay ang nasabing trader. Nawawala ang ilang personal na gamit ng biktima kabilang ang malaking halaga na bitbit nito.

Show comments