Brodkaster hinaras ng alalay ng vice gov.

BULACAN, Philippines  – Nabalot ng tensyon ang mga customer ng restaurant makaraang magbunot ng baril at pagmumurahin ng isa sa mga bodyguard ni Vice Governor Daniel Fernando ang isang brodkaster kamakalawa ng hapon sa Barangay Tabang, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Dumulog sa himpilan ng pulisya para magreklamo ang biktimang si Rommel Ramos, brodkaster ng Radyo Bulacan upang kasuhan ang abusadong suspek na si Datsun Fulgar.

Sa sinumpaang salaysay ni Ramos, lumilitaw na nakikipag-usap siya kay Vice Gov. Fernando sa Eurobake Restaurant and Bakeshop nang magtaasan sila ang boses ng nasabing opisyal.

Dito na umentra at nakialam si Fulgar na sinasabing nagbunot ng baril saka inilagay sa mesa kung saan pinagmumura at hinamon ng suntukan si Ramos.

Napayapa lamang ang insidente makaraang mamagitan ang ilang alalay ni Fernando at ilang pulis.

Show comments