2 nilikida sa jeepney

CAVITE, Philippines – Pinabulagta ang dalawang pasahero ng jeepney makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa panibagong karahasan sa kahabaan ng JP Rizal Street sa Barangay Galicia 3, bayan ng Mendez, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Albert Ching 54, ng #52 Alegre Street, Brgy. Galicia 3; at Jasmin Paunil, 25, ng #4122 Dama De Noche Street sa Barangay Mahabang Kahoy Cerca sa bayan ng Indang, Cavite.

Ayon kay P02 Cedrick Mojica, lulan ng pampasaherong jeepney (DXG790) ni Roderick lcala ang mga biktima nang pagbabarilin pagsapit sa nasabing barangay.

Tumakas ang gunmen lulan ng motorsiklo na sinasabing inagaw kay Mark Ronald Esguerra.

Gayon pa man, inabandona ng gunmen ang motorsiklo makaraang habu­lin ng mga operatiba ng pulisya pagsapit sa Barangay Asis.

 

Show comments