MANILA, Philippines – Inamin ng senior security advisers ni Pangulong Benigno Aquino III na nahihirapan ang mga awtoridad na madakip si Moro National Liberation Front (MILF) founding chairman Nur Misuari na nahaharap sa patung-patong na kaso.
“There have been on going operations conducted by the police, However, it was hard to locate Mr. Misuari because his hideout is enclosed in an area by his large supporters or those helping him,” pahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas nitong kamakalawa.
Sinabi naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na patuloy pa rin naman ang pagsuyod nila upang mahuli si Misuari na nanguna sa madugong bakbakan sa Zamboanga City nitong nakaraang taon.
“Ang problema natin kasi malaki ang kanyang grupo, marami ang tumutulong na itatago siya.”
Hindi na naman nagbigay pa ng detalye ang dalawang opisyal.
Naunan nang nainulat na nasa kagubatan ng Sulu si Misuari kung saan pinoprotektahan siya ng kanyang mga armadong tauhan.