Bus vs trak: Driver utas, 8 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Patay ang 46-anyos na driver ng truck habang sugatan naman ang walong iba pa makaraang sumalpok sa kasalubong na pampasaherong bus sa bulubunduking highway sa Barangay Palino, bayan ng Pugo, La Union kamakalawa.?

Namatay habang ginagamot sa Baguio City General Hospital ang driver na si Algerito Mainit ng Magalang, Pampanga.

Kabilang sa mga nasugatan ay sina Mamerto Trinidad, conductor; Erwin Frakin, bus inspector;  mga pasaherong sina Kerirose Quipino, Kenith Madrillo, Noel at si Edgar Buan.? 

Nakatalon naman sa sasakyan ang mga truck helper na sina Jason Madersi at Mark Joseph Valbueza.?

Sa imbestigasyon ni SPO1 Louie Picazo, nawalan ng kontrol sa manibela ng truck si Mainit matapos  hindi kumagat ang preno habang pababa sa kabundukang highway.

Dito na sumalpok ang truck sa kasalubong na Victory Liner bus (AYK-525) na minamaneho ni Roberto Alvarez. ?

Show comments