2 karnaper arestado

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawang miyembro ng carnapping syndicate ang nasakote sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Pinukpuk at Tabuk City sa Kalinga kamakalawa.? Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Francisco Bulwayan, hepe ng Tuguegarao City PNP, unang nasakote ang suspek na si Jestrowell Calumag sa kanyang lungga sa Purok 6, Barangay Bulanao, Tabuk City habang si Reynan Gaano ay nalambat sa checkpoint sa Barangay Taga sa kahabaan ng Pinukpuk-Balbalan Road.Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay may nakabinbing  mga kasong carnapping sa sala ni Judge Marcelino ng Tabuk City Regional Trial Court.?

 

Show comments