Holdaper, dedo sa shootout

Cotabato City, Philippines  – Isang holdaper ang nasawi habang sugatan naman ang kasamahan nito  matapos nilang tangkaing nakawan ang isang negosyante sa loob ng isang supermarket sa Poblacion 4, Cotabato City pasado alas tres ng hapon, kahapon.

Kinilala ni City PNP Director Senior Supt. Rolen Balquin ang nasawing suspek na si Mohamad Tungao habang  ang suga­tan naman ay nakilalang  si Abdulasis Sangki, alyas Fahad, residente ng RH 3 ng lungsod at sangkot na rin sa ibat-ibang kaso ng pagnanakaw at may mga pending na warrant of arrest.

Ayon kay Balquin na­nakawan na sana ng dala­wa ang nasabing negos­yante nang sumigaw ito  na nakabigay atensyon sa mga awtoridad.

Nabatid na nanlaban ang mga suspek at nagkapalitan ng putok sa mga rumispondeng pulis.

Show comments