Kawani ng DPWH, nilikida

MANILA, Philippines - Binaril at napaslang ang 39-anyos na kawani ng lokal na sangay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng hindi kilalang gunman sa Barangay Galas, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng u­maga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Philip Yonting, nakatalaga bilang driver sa nasabing tanggapan. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Ranie Hachuela, acting chief of police, nililinis ng biktima ang Isuzu Fuego (WCX 621)  na nakaparada sa tabi ng kalsada malapit sa staff house nang lapitan  at ratratin kung saan agad namang tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments