P1-M nilimas sa mag-asawang trader

BULACAN, Philippines  – Aabot sa P1milyong cash ang natangay sa mag-asawang negosyante matapos holdapin ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Parulan, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon. Dumulog naman sa himpilan ng pulisya para magreklamo ang mag-asawang Jeffrey Cruz, 38; at Eufrocina Cruz, 34, mga dealer ng bigas at kapwa nakatira sa Barangay Tukod sa bayan ng San Rafael. Ayon kay PO3 Joseph Cruz, patungong bayan ng Bocaue sa kanilang negos­yo ang mag-asawang lulan ng kotse mula sa  banko sa bayan ng Baliwag nang harangin at holdapin pagsapit sa intersection ng Plaridel-Pulilan Road. Hindi na nakapalag ang mag-asawa matapos tangayin ang iba’t ibang personal na gamit at ang P1 milyon na kanilang winidraw sa banko.

Show comments