Trabahador kisay sa kuryente

CAVITE, Philippines  - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 21-anyos na construction worker matapos itong makuryente sa memorial park sa Barangay  Sampaloc 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Jazz Mark Fernando ng Sitio Talisayan sa Barangay Sampaloc 4 sa nasabing lungsod. Ayon kay P03 Paulo Figueroa, gumagawa sa isa sa puntod ang biktima sa section 7 ng Manila Memorial Park Dasmariñas nang tamaan ng grinder ang linya ng kuryente. Dito na nagkikisay ang biktima  na kaagad namang sinaklolohan ng kanyang amain subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Show comments