CAMARINES NORTE, Philippines - Bulagta ang 8-anyos na totoy na inakalang magnanakaw makaraang barilin ng katiwala ng coconut farm sa Barangay Binalay, bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Hindi na nagawang maisalba ng mga manggagamot ng Tinambac Infirmary Hospital ang biktimang si Ricky Candelaria ng Zone 2, Barangay Bolaobalite habang nasakote naman ang suspek na si Romero Darilay, 33, caretaker ng coconut farm na pag-aari ni Fraklin Abordo ng Barangay Binalay. Sa imbestigasyon ng pulisya, kinumpronta ng suspek ang biktima na sinasabing nagnanakaw ng niyog kung saan itinatanggi naman ng Candelaria. Sa galit ng suspek kinuha ang kanyang airgun at pinaputukan ang biktima.