2 dakma sa P.6-M shabu

CAMARINES NORTE, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang notoryus na drug pusher makaraang makum­piskahan ng P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at  lokal na pulisya sa Barangay Dayangdang, Naga City, Camarines Sur noong Biyernes. Pormal na kinasuhan ni PDEA regional Dir. lll Archie A. Grande, ang mga suspek na sina Salve Ferrer, 33, ng Mayon Avenue, Barangay Tinaga, Naga City; at Abraham Anier, 36, ng Ojeda Street sa nasabing barangay. Nasamsam sa mga suspek ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalagang P.6 milyon at mark money na ginamit sa operasyon. 

Show comments