2 bagets tiklo sa nakaw na laptop

CEBU CITY, Philippines – Dalawa sa apat na bagets ang nasakote matapos tangayin ang apat na laptops sa SSS branch sa A. Del Rosario Street sa Barangay Guizo, Mandaue City, Cebu noong Biyernes ng gabi.

Ang 11-anyos na suspek ay naaresto sa kanyang bahay sa Basubas Compound sa Barangay Tipolo habang ang kasabwat nitong bagets ay dinakma sa Sitio Maharlika sa Mandaue City.

Subalit ang apat na laptops ay kasalukuyang itinatago nina alyas Macmac at Calvin na kapwa kasabwat ng dalawang bagets.

Ayon kay SPO2 Marcos Noval ng Investigation and Detection Management Bureau ng Mandaue City PNP, ang 11-anyos na suspek ay naaresto na rin noong 2013 dahil sa pagtangay sa firearm ng security guard.

Kasalukuyang nasa custody ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Develpoment ang dalawang suspek. Freeman News Service

Show comments