Pawnshop hinoldap: 2 sekyu patay

NORTH COTABATO, Philippines - Dalawang sekyu ang napatay habang apat naman ang sugatan sa naganap na pamamaril ng mga holdaper na nanloob sa Agencia Brillantes sa Osmeña Street, Koronadal City, South Cotabato kahapon ng hapon.

Tinamaan sa ulo at dibdib si Joan Lazada, sekyu ng Agencia Brillantes at residente ng Barangay Antong, bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat habang si Arlon Tamayo, sekyu ng Fitmart, Koronadal, tinamaan naman sa leeg.

Sugatan naman sina Noel Villora, 25, sekyu ng Agencia Brillantes na tinamaan sa binti; Sheryl Mae Galagar,14, ng San Isidro, Koronadal na tinamaan sa balikat; Alfredo Paguirigan, sekyu ng Ace Centerpoint; at si Mark Anthony dela Torre, 17, estudyante.

Samantala, bago tumakas lulan ng tatlong motorsiklo ay inihagis ng mga holdaper ang isang granada subalit hindi sumabog.

Pinaniniwalaang nasu­gatan ang isa sa mga holdaper na angkas ng isa sa tatlong motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga pulis.

Show comments