Tinedyer utas sa kalabaw

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  -  Natuluyang salubungin ni kamatayan ang 13-anyos na binatilyo matapos itong suwagin sa ulo ng kalabaw habang ini­aahon sa malalim na kanal kung saan nahulog ang sinasakyan nitong traysikel kasama ang anim pang estudyante kamakalawa sa Barangay Villa Marco, bayan ng Cordon, Isabela. Kinilala ang biktima na si John Lester Natividad habang malubha naman sina na sina Jane Soriano, Annie Soriano, Nerie Gel Munar, Helmark Munar, Tristan Lyod Natividad, at si Joey Soriano. Sa ulat na nakara­ting kay P/Chief Insp. Ro­gelio Taliping, hepe ng Cordon PNP, patungong school ang trike na minamaneho ni Rogelio Munar lulan ang mga biktimang estudyante nang makasagasa ng aso kung saan nagtuluy-tuloy sa malalim na kanal.  Ga­yon pa man, unang iniahon ng driver si John Lester subalit sinalubong sila ng nagwawalang kalabaw kung saan sinuwag sa ulo ang binatilyo at namatay.

Show comments