2 lunod sa beach resort

CAVITE, Philippines  – Dalawa-katao ang namatay matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig-dagat habang naliligo sa isang beach resort sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa.? Kinilala ang mga biktima na sina John Paul Deliaco, 24, pedicab driver; at Julius Parban, 24, kapwa nakatira sa Barangay Bicutan, Taguig City.? Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia,  nag-outing ang mga biktima kasama ang ilang kaibigan sa Happy Holiday Beach Resort sa Barangay Munting Mapino nang malunod ang dalawa.? Narekober ang bangkay ni Deliaco habang pinaghahanap pa ang katawan ni Parban.

Show comments