Chainsaw operator, itinumba

MANILA, Philippines – Napatay ang 37-anyos na chainsaw operator matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Dao, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Sa ulat na nakarating kay P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, pauwi na ang biktimang si Alexander Piega sa Barangay Banale nang harangin at ratratin bandang alas-7 ng gabi. Nagawa pang makatakbo ng biktima kahit sugatan pero hinabol ng gunmen saka tuluyang tinapos. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments