Negosyante itinumba ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 78-anyos na negosyante habang sugatan naman ang kanyang misis makaraang ratratin ng  riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng provincial road sa Barangay San Bernardo, bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Nelson Vallejo, hepe ng PNP Cabagan PNP ang napatay na si Gregorio Torres ng Barangay Aggub habang nagtamo naman ng galos ang misis nitong si Neri matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo. Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mag-asawa sa Barangay Aggub mula sa karatig bayan ng Sto. Tomas nang ratratin ng tandem. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments