6 NPA member sumuko

MANILA, Philippines - Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar ang anim na miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Talakag, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni AFP Eas­tern Mindanao Command Spokesman Captain Alberto Caber ang mga nagsisukong reblelde na sina Ramil Tun-an; Yonifin Ped-Ak; Rene Tun-an; Angelo Ped-Ak; Reynaldo Ped-ak at  Toto Guilay.

 Bandang alas-10 ng gabi, ayon kay Caber nang magsisuko ang anim na rebelde sa tropa ng Army’s 23rd Infantry Battalion sa Brgy. San Mateo Indulang, Talakag ng lalawigang ito.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang US cal 30 garand rifle, isang shotgun, isang cal. 45 pistol, isang 9 MM pistol at dalawang cal 38 revolver.

Sinabi naman ni Lt. Col. Lynart Castisimo na ang pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng peace and development program o ang pagtulong sa komunidad na isinasagawa ng mga sundalo.

 

Show comments