Bike vs bike: 3 kritikal

CAMARINES NORTE, Philippines – Tatlo-katao ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorbike sa kahabaan ng kalsada sa Barangay New Poblacion sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Naisugod naman sa Libmanan District Hospital ang driver ng motorbike na si Recky Camalla, 32; at ang dalawang kaangkas na sina Lutgarda Decena, at Elvis Bobby Lebiano na kapwa nakatira sa Barangay Sta. Cruz. Samantala, ang driver ng isa pang motorbike na si Benecarlo Segundo ng Barangay Castillo ay dinala naman sa Bicol Medical Center.

Show comments