Trike vs van: 2 bulagta

BATAAN, Philippines – Bulagta ang driver at pasahero ng trike habang dalawa namang menor-de-edad ang sugatan makaraang magkasalpukan ang traysikel at van sa kahabaan ng highway sa Barangay Mulawin, bayan ng Orani, Bataan kamakalawa. Kinilala ni Bataan PNP Director P/Senior Supt. Flynn Dongbo ang mga namatay na sina Nelson Garcia, 43, driver; at Mario dela Rosa, 32, kapwa nakatira sa Barangay Pagalanggang sa bayan ng Dinalupihan habang sugatan naman ang magkapatid na Thirdy Magtoto, 4; at Eunice Magtoto,11, kapwa nakatira sa bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija. Sa ulat ni PO2 Ramoncito Galura, naganap ang trahedya habang bumubuhos ang malakas na ulan kung saan pinaniniwalaang madulas ang kalsada kaya nagkasalpukan ang trike ni Garcia at van (UNN-224) ni Junio Santos ng Gabaldon, Nueva Ecija. Pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na driver ng van na si Santos.

 

Show comments