TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ng riding-in-tandem gunmen ang 51-anyos na security guard makaraang pagbabarilin sa gate ng pampublikong paaralan sa Barangay Salinungan, bayan ng San Mateo, Isabela kamakalawa ng hapon.? Sa pahayag ni P/Chief Insp. Santos Tecbobolan, wala pang malinaw na motibo sa pamamaslang kay Perlindo Galasi na sekyu sa Salinungan National High School na niratrat mismo sa harapan ng mga estudyante at guro. Wala ring alam na kaaway ang pamilya ng biktima na nakatira sa Barangay Sta. Isabel, Ilagan City, Isabela upang ibayad nito ang buhay.? Naisugod ng ilang katrabaho ang biktima sa Ricaforte Clinic subalit hindi na ito umabot ng buhay.