PSN corres pumanaw

MANILA, Philippines – Sinalubong na ni kamatayan ang beteranong mamamahayag na pangulo ng National Union of Journalist of the Phils’ sa Bulacan Chapter na si Bernardino “Dino” B. Balabo makaraang atakihin sa puso, (myocardial infarction) habang ginagamot sa Bulacan Provincial Hospital noong Lunes ng mada­ling araw.

Naulila ni Balabo, 45, ang asawang si Jocelyn at anak na si Bethany Irene.

Si Balabo na kasalukuyang correspondent ng The Philippine Star ay sumusulat din sa pahayagang ito. Tumatayo rin siyang news editor ng Bulacan-based Mabuhay Newspaper at contributor sa pahayagang Punto Central Luzon at Central Luzon Business Week kung saan journalism instructor din siya sa Bulacan State University. Pinahuling naiambag ni Balabo sa Pilipino Star NGAYON ay ang larawan ng estudyanteng si Navarro na inihatid sa huling hantungan sa bayan ng Hagonoy noong Agosto 27 matapos mamatay sa field trip sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Kasalukuyang nakahimlay ang mga labi ni Balabo sa kanilang bahay sa Barangay San Sebastian, Hagonoy, Bulacan.

Show comments