Store owner ginilitan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo kaya ginilitan at pinagpapalo sa ulo hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki ang may-ari ng tindahan sa Barangay Alos, bayan ng Alaminos, Panga­sinan kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Domingo Soriano, hepe ng Alaminos PNP ang biktima na si Diogracias Vallesta na napaslang habang binabantayan nito ang kanyang tindahan sa nasabing barangay. Isinantabi ng mga imbestigador ng pulisya ang motibong pagnanakaw dahil hindi naman nilimas ang pinagbentahan ng biktima sa maghapong kinita. Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan sa suspek na sinasabing nakaalitan ng biktima bago naganap ang pamamaslang.

Show comments