Piyesta pinasabog: 2 patay, 12 sugatan

MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang na­matay habang 12 naman ang nasugatan makaraang  sumabog ang granada na inihagis ng isang senglot na lalaki sa selebrasyon ng piyesta sa bayan ng Trinidad, Bohol noong Lunes ng hapon.

Sa ulat ni Bohol Provincial Police Office P/Senior Supt. Dennis Agustin,  kinilala ang mga  namatay na sina Nestor Bernales at Fidela Macua.

Bandang alas- 4:30 ng hapon nang biglang hagisan ng granada ng suspek na si Dinoberto Fuentes ang kumpulan ng mga tao na dumalo at nakikipag­saya sa selebrasyon ng piyesta sa nasabing bayan.

Napuruhan si Bernales na halos nalasog ang katawan habang naisugod naman sa Garcia Memorial Provincial Hospital si Macua subalit namatay din.

Arestado naman ang suspek na patuloy na isinasailalim sa masusing pagsisiyasat.

Show comments