Kusinero nagbaril sa sarili

CAVITE , Philippines   – Nagpasalubong kay kamatayan ang 44-anyos na kusinero na sinasabing desperado matapos itong magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite kamakalawa.? Kinilala ang biktima na si Bonifacio Veloso Jr., may asawa, kusinero sa Manong’s Bars and Grill Restaurant sa Barangay Alabang, Muntinlupa City at nakatira sa Phase 4 Summerhills Townhomes Subdivision sa nasabing barangay. Sa ulat ni PO2 Albert Badocdoc, nagbaril sa kanang sintido ang biktima bandang alas-8 ng gabi sa kanilang bahay gamit ang cal. 9mm pistol. Naisugod sa Metro South Hospital Medical Center subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon.?

 

Show comments